Name of God: Creator God (Elohim)
Makapangyarihang ManlilikhaBasahin: Job 38:1-41
(13 of 366)
“Nang pasimula’y nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa.” (Genesis 1:1)
Ang unang pangalan kung saan ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang Salita ay ang pangalang “Diyos” o “Elohim.” Ipinakilala Siya nito bilang ating makapangyarihang Diyos na Lumikha.
Maaaring madalas na natin itong nababasa pero maaari ring nawala na ang impact nito sa atin: “Nang pasimula’y…” Gumawa ang Diyos sa simula mula sa wala. Mula sa malawak na karagatan hanggang sa maliit na plankton na lumalangoy dito. Mula sa walang katapusang kalawakan hanggang sa maliliit na alitaptap na nagbibigay liwanag sa gabi. Mula sa maringal na taluktok ng bundok hanggang sa mga masisipag na langgam na nasa ilalim ng mga nakatagong lambak.
At ang mga kulay! Ang pulang rosas at ang dilaw na lemon, ang berdeng kagubatan, na naglalarawan sa isip ng Diyos bago Niya ipinta ang mga ito sa canvas ng mundo. Ang ating Tagapaglikha ay gumawa rin ng mga hugis at texture, tunog at amoy – lahat ay pinupuri ang kaluwalhatian ng Kanyang Trinidad na kalikasan.
Sapagkat hindi lamang ang Diyos Ama ang kasangkot sa paglika, gayundin ang Diyos Anak at ang Diyos Espiritu Santo. Sinabi ng Evbanghelyo ni Juan, “Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan Niya (Jesus), at walang anumang nalikha na hindi sa pamamagitan Niya,” (Juan 1:3). Sinabi naman ng Genesis 1:2, “kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.” Malinaw na ang lahat ng tatlong Persona ng Trinidad ay may bahagi sa paglikha ng mundo na magdadala ng kaluwalhatian sa Lumikha nito, ang ating Elohim.
Pagbulayan:
1. Subukang tignan ang palgid mo, o tumingin sa internet ng mga magagandang video o larawan ng kalikasan, bundok, mga batis, ilog at mga mabubulaklak na parang. Ano ang itinuturo nito sayo patungkol sa Panginoon?
2. Ano ang nagiging epekto nito sa paglakad mo sa Panginoon?
Panalangin:
Elohim, tulungan Mo po akong makita ang Iyong kaluwalhatian na nahayag sa mga magagandang nilikha sa mundong ito na nasa aking paligid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento